<$BlogRSDUrl$>
Aouie's Journal

Tuesday, August 02, 2005

Wishful Thinking

"I have faith that someday I would meet someone who would be sure that I am the one."
-Carrie Bradshaw, Sex & The City

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang malaking kahibangang ito. Year 2000 nung magkakilala tayo. Hindi ko maisip kung paano tayo naging close. Aloof ka. Suplada raw ako. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit kita naging crush. Hindi kasi kita type. Basta ang alam ko, nagising na lang ako isang araw at na-realize ko na crush pala kita. Yun din yung araw na naging close tayo. Too close nga ata kasi may ilang friends tayo na tinatanong ako noon kung ano ba talaga tayo.

Fast forward to the present. Year 2003 na. After more than three years of being friends -- exchanging countless e-mails, sending friendly and mushy text messages, numerous gimiks, watching concerts, inuman sessions at kung anu-ano pa, eto pa rin tayo. Friends. Kahit may ilang instances na rin na muntik na nating i-cross yung fine line between frienship and love, friends pa rin tayo.

Friends. Nothing more, nothing less. Alam ko sasabihin ng iba: "At least friends kayo." Yeah, I know. At least friends tayo. I should be happy, right? Dapat. Siguro. Sana. Ewan. Minsan kasi di ko maiwasang magtanong ng mga what-ifs.

Ewan ko ba. Naguguluhan na nga ako sa sitwasyon natin, eh. Minsan, there are times when I would be so sure na gusto mo rin ako. Tapos biglang mag-iiba na naman ang ihip ng hangin and I wouldn't be so sure about anything anymore. Naisip ko na dati na itanong na lang sa yo kung ano ba talaga tayo kaya lang natakot ako. Baka in doing so, I would push you away. Eh, ayokong mawala ka sa buhay ko, so di ko na lang tinuloy.

Kaya eto ako ngayon. Naghihintay pa rin. Nagwi-wish na sana maliwanagan ka na kung ano ba talaga gusto mong mangyari sa buhay mo. Hirap sa yo, ang gulo mo. Hindi ko alam kung friend lang ba tingin mo sa akin o kung gusto mo rin ako. Hindi ko alam kung torpe ka, manhid, walang pakialam o kung tanga ka lang talaga.

Sana ma-realize mo na kung ano ba talaga ako sa buhay mo. Sana ma-realize mo na mahal mo rin ako. Sabi ni Carrie Bradshaw: "I have faith that someday I would meet someone who would be sure that I am the one." Sabi ko naman: "I have faith that someday we would meet again and when that time comes, we would both be sure that we are the one for each other." Sana ma-realize mo na I am the one for you. At sana pag dumating na yung time na yon, mahal pa rin kita.

XOXOXOXOXOXO
by babyanne [from peyups]

Labels:

a.o.u.i.e. scribbled this @ 9:03 AM

0 Comments