Tuesday, April 05, 2005
Sa Paglalaro ng Bridge
Lubos akong natutuwasa bawat pagbalasa mo
ng iyong lumang baraha.
Bridge kamo tayo.
Tayo ang magkatapat,
ang magkapareha,
sabi mo
sagot mo ko.
Okay.
Nagsimula ang pag-bid
nagyayabangan,
nagtatawanan,
nagtititigan,
at tila nagbabasahan ng isip.
Pilit kong hinuhulaan
kung anong nasasaloob mo,
kung anong balak mo...
ganoon ka rin kaya sa kin?
Kung minsan nagtutugma,
kung minsan hindi.
Umaasa akong
maiisip mo
ang pagtatayang
ginagawa ko...
gusto ko rin namang manalo.
Sumang-ayon ka sa bid ko.
Three hearts.
Bigla akong natakot,
nag-alinlangan,
di-nakapagsalita...
tiningnan mo ko
at tinanong,
"Bakit?"
sabi ko lang,
"Wala!"
nginitian mo ko sabay sabi -
"Trust me..."
Okay ulit.
Nagpatuloy tayo...
ginawa ko ang lahat -
nagbaba ng
sarili
kong mga baraha.
Nananalo ako, nananalo ka,
kahit minsan may mali.
Masaya naman tayo
ngumingisi,
nangungusap,
sinusubukang mandaya.
Lahat ito ginagawa ko
sa paglalaro ko
kasama mo.
Manalo lang sana tayo.
Malapit na,
nararamdaman ko,
panalo na tayo...
sa bawat ikot,
sa bawat pagtataya.
All to win.
Ibigay mo lang
ang alas na puso mo...
sagot ko na yong iba.
Naniwala ako sa yo,
sa atin -
subalit
mali pala,
nasa kalaban...
nagpanggap ka lamang
na nasa iyo,
na ibibigay mo.
Natalo tayo.
At natalo ako
sa sinabi mong...
"Okay lang -
it's only a game!"
XOXOXOXOXOXO
adapted from a poem originally written by Phillip Medina
March 2004
for him who used to be my Bridge partner...
Labels: poems, scribblings from me